PatrolPH

Pamilya ni Donny Pangilinan, humagulgol matapos panoorin ang ‘Love Is Color Blind’

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2021 03:08 PM

Mula sa Instagram ni Donny Pangilinan
Mula sa Instagram ni Donny Pangilinan

Bumuhos ang mga luha sa bahay ng aktor na si Donny Pangilinan matapos panoorin ng kaniyang pamilya ang pelikula nitong “Love Is Color Blind” katambal si Belle Mariano.

Sa kaniyang Instagram account, mapapanood ang paghagulgol ng kapatid ni Pangilinan na si Hannah nang matapos ang pelikula. 

Isa-isa namang niyakap ng aktor ang mga kapatid sa pagsuporta sa kaniyang pinakabagong proyekto kasama si Mariano. 

“Breaking news: Sobbing in Pangilinan Residence. Reason: LICB,” saad ni Pangilinan sa caption. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)

Opisyal nang ipinalabas online ang nasabing pelikula simula noong Disyembre 10 habang nagkaroon naman ng premiere night ang DonBelle isang araw bago ito. 

Makikita na magkahawak kamay buong gabi sina Pangilinan at Mariano na sinundan pa ng yakapan matapos panoorin ang “Love Is Color Blind” na kanilang unang pelikula bilang love team. 

Umikot ang istorya ng palabas sa love story ng matalik na magkaibigan na sina Cara (Mariano) at Ino (Pangilinan). Ngunit makalipas ang ilang taon, unti-unting nalantad ang tunay na nararamdaman nila sa isa’t isa lalo na nang subukan ni Cara na tulungan si Ino na maibalik ang kaniyang maayos na paningin. 

Binansagang “new generation phenomenal love team” ang DonBelle na bumulusok ang kasikatan matapos ang matagumpay na unang season ng “He’s Into Her.” Nakatakdang iere ang season 2 sa 2022.

Related video

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.