MAYNILA - Binisita ng aktres na si Angel Locsin at ng "Iba 'Yan" ang mga tindera ng puto bumbong at bibingka sa Mandaluyong City.
Kabilang ang mga tindera ng kakaning ito, na kadalasan ay makikita sa labas ng mga simbahan kapag Pasko, sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya.
Bagama't pinagbawalan silang magtinda sa kanilang mga puwesto sa gilid ng kalsada, pansamantala silang kinupkop ng San Felipe Neri Parish Church at hinayaang magtinda sa loob ng bakuran ng simbahan para maipagpatuloy ang tradisyon, at para na rin masuportahan ang kanilang hanapbuhay.
Kabilang sa mga nakilala ng Iba 'Yan si Milagros Arabit, na 20 taon nang gumagawa ng puto bumbong at bibingka.
Sa kabila ng hirap na nararanasan nila, ipinagpapatuloy niya ang pagtitinda para sa kaniyang apo na may special needs.
Kaya naman sa tulong ng mga donors, nagpaabot ng tulong ang Iba 'Yan kay Nanay Mila at sa mga kasamahan niyang tindera sa simbahan.
Namahagi rin ng libreng bibingka at puto bumbong ang Iba 'Yan sa lahat ng mga sumimba sa San Felipe Neri para maipadama sa kanila ang saya ng Kapaskuhan.
Panoorin ang kanilang kuwento rito.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Iba Yan, Mandaluyong City, San Felipe Neri Parish Church, puto bumbong, bibingka, Pasko, Tagalog news