PANOORIN: Kuh Ledesma, naglabas ng awiting Pamasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2019 12:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Naglabas ng isang awiting Pamasko ang "Pop Diva" na si Kuh Ledesma.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, nagbahagi si Kuh tungkol sa pinakabago niyang awitin na "Sama Sama sa Pasko."

"It's by Vehnee Saturno. He is a hitmaker. Ano lang ito, talagang whim lang ito. Sabi ko, 'Vehnee, gawan mo ako ng isang Christmas song.' tapos ayan na, ginawa na niya. Sabi ko, 'ang galing mo naman.' It has a very beautiful message of love," aniya.

Maliban sa bagong awitin, magkakaroon din ng Christmas show si Kuh kasama ang kanyang anak na si Isabella sa Hacienda Isabella sa Disyembre 24.

At sa susunod na taon, magaganap ang Valentine concert ni Kuh kasama ang "Divine Diva" na si Zsa Zsa Padilla.