Daniel Padilla at Charo Santos, bibida sa isang proyekto?

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2018 05:19 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MalouSantos 03 (@malousantos03) on

MAYNILA -- Tila isang proyekto ngayon ang nakatakdang pagsamahan ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla kasama ang beteranang aktres na si Charo Santos.

Sa Instagram post ng Star Cinema executive na si Malou Santos at film producer na si Neil Arce, nagsimula ang pag-ugong ng balitang pagsasama sa isang proyekto nina Daniel at Charo sa direksyon ni Joyce Bernal.

Ito ang unang pagkakataon na makakasama ni Daniel sa isang proyekto ang beteranang aktres na gagawin sa ilalim ng Spring Films.

Samantala, hindi naman ito ang unang beses na gumawa ng magkahiwalay na proyekto si Daniel sa kanyang on-screen partner na si Kathryn Bernardo. 

Matatandaan na 2017, nang bumida sa "Revenger Squad" si Daniel habang so Kathryn naman ay kasali sa matagumpay na family drama na "Three Words To Forever."

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung kailan sisimulan ang nasabing proyekto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.