Sexbomb NewGen, naglabas ng bagong dance single

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 11:25 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Naglabas na ng kanilang dance single ang Sexbomb NewGen, ang bagong grupo ng Sexbomb Girls.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes, nagbigay ng detalye ang grupo sa pinakabago nilang awitin na "NewGen Shake."

"Actually our song is about encouraging people na be real. Huwag kang matakot na ipakita kung what your true self is. Huwag kang matakot kung ano ang judgment ng iba. Parang whatever you are be confident with yourself and just own it," ani ng isa sa miyembro ng grupo.

Matatandaang ang SexBomb Girls ang naghanap at humubog sa mga miyembro ng Sexbomb NewGen.

Kilala ang Sexbomb Girls sa kanilang nakakaindak na mga kantang tulad ng "Spaghetti Song."

Ilan sa mga miyembro ng Sexbomb Girls na sumikat ay sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, at iba pa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.