MMFF: Target ni Coco Martin ang makapagpasaya ngayong Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 08:10 PM | Updated as of Dec 12 2019 09:02 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

MAYNILA -- Handang-handa na para sa nalalapit na pagbubukas ng 2019 Metro Manila Film Festival ang aktor na si Coco Martin para ibahagi ang kaniyang pelikula na "3pol Dobol, Huli Ka Balbon."

Ayon kay Coco na direktor rin ng pelikula, hindi na pumapasok sa kaniyang isip ngayon ang magiging ranking ng kanilang pelikula na makakabangga ang malalaking pelikula nina Vice Ganda, Vic Sotto at Judy Ann Santos.

"Kasi alam mo lahat ng pelikula magaganda. Kumbaga kung 'yan kasi ang inisip mo, masasaktan ka eh. Bakit mo pa ie-expect? Alam naman na natin 'yung mga resulta na 'yan," aniya sa panayam.

Bilang direktor at aktor, mas nais na ihatid ni Coco ang ngiti at saya ng mga manood ng kanilang pelikula.

"Para sa akin basta ako, maganda ang pelikulang hinain ko para sa mga tao, at susulitin ko ang ibabayad nila," aniya.

At kahit na magiging abala ngayong Pasko, hindi pa rin mawawala ang oras ng aktor para sa kaniyang pamilya.

"Sa Pasko, hindi naman kasi kailangan 'yun eh. 'Yun ang time ko para bumawi sa family ko. Siyempre kapag December 24 at bisperas, andon ako hanggang 25, tapos 26 back to work na ulit," ani Coco.

Mapapanood ang "3pol Dobol, Huli Ka Balbon" at iba pang pelikula na kalahok sa 2019 MMFF sa darating na Disyembre 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.