Judy Ann Santos, alay ang pelikulang 'Mindanao' sa ina

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 08:20 PM | Updated as of Dec 12 2019 09:04 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday) on

MAYNILA -- Hindi pa rin makapaniwala ang aktres na si Judy Ann Santos sa pagkilala na kaniyang natanggap mula sa 2019 Cairo International Film Festival para sa kaniyang pelikulang "Mindanao".

Ang "Mindanao" na gawa ng award-winning director na si Brillante Mendoza ay bahagi rin ng paparating na Metro Manila Film Festival (MMFF). 

Ayon kay Juday, masayang-masaya siya ngayon na mayroon siyang maiaalay na regalo psa kaniyang ina na si Mommy Carol.

"My mom is very, very happy. Para sa kaniya naman 'tong award na to eh. Lahat naman ng nanay, may kaniya-kaniyang klase ng sakripisyo na binibigay para magbigay ng magandang buhay sa mga anak nila," tugon ng aktres sa panayam.

Tulad ng kaniyang karakter sa pelikula, ang sakripisyo ni Mommy Carol para sa kanilang magkakapatid ang nais suklian ng Juday.

"Wala akong ibang taong naisip noon kung 'di ang mommy ko. Kaya sabi ko sa kaniya, kailangan andon ka sa special block screening, kailangan mapanood mo," ani Juday.

Kuwento pa ng aktres, pinangarap lang rin niya noon ang magkaroon ng international best actress award. Kaya naman, hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon na siya nito ngayon.
 
"Pangarap ko lang naman ay makasali ang pelikula sa international film festivals, ma-experience ko sila. Kaya 'yung Busan Film Festival, para akong bata, para akong nasa playground kung makatingin ako. Pero 'yung maging best actress sa international film festival, hindi ko siya ma-digest, na parang 'totoo ba talaga ito?' Kasi alam ko sa teleserye lang ako nagsimula," sabi pa ng aktres.

Bukod kay Mommy Carol, pinasalamatan rin ng aktres si Brillante Mendoza para sa mga papuri na sinabi nito para sa kaniya.

"Walang maling acting sa kaniya. Kung totoo ang nararamdaman mo at basta totoo ang maramdaman mong emosyon, walang mali para kay direk Dante," aniya.

Mapapanood ang "Mindanao" at iba pang pelikula na kalahok sa 2019 MMFF sa darating na Disyembre 25.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.