James Reid, inamin na minsan tinakasan ang showbiz

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 11:29 AM

MAYNILA -- "I was very stressed out. I wanted to get away from the Philippines."

Ito ang naging pahayag ng aktor na si James Reid nang tanungin kung paano niya nilabanan ang stress na dulot ng trabaho sa showbiz.

Ayon kay James, isang mabilis na bakasyon ang ginawa niya noon sa Japan kasabay ang pagsikat ng tambalan nila ni Nadine Lustre. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Reid (@james) on

"Biggest adventure? Maybe I went to Japan for the first time but alone. And I was really scared. I was terrified. But yeah, I went to Japan by myself. And I stayed there for a week. I went around to different places by myself and no one spoke English. It was really scary but it was a fun adventure," sabi pa ni James sa ulat ng Push.

Aniya, isa ang pagiging adventurous sa mga napagkasunduan nila ng kaniyang nobyang si Nadine.

"I don't like to think too much about plans. Like I don't plan ahead. Even when Nadine and I go traveling I don’t think about too much what we’re going to do, just where we’re going to stay. So the rest of it is just unplanned," ani aktor.

Sa ngayon, abala si James sa bilang record label producer ng kaniyang sariling recording company.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.