Carmina Villaroel at Amy Perez, pangarap na magbalik ang 'Palibhasa Lalake'

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 11:18 AM | Updated as of Dec 12 2019 11:34 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Pangarap ng aktres na si Carmina Villarroel na muling magbalik sa telebisyon ang dating sikat na sitcom na "Palibhasa Lalake."

Nitong Huwebes sa "Umagang Kay Ganda," muling nakaharap ni Carmina ang isa sa nakasama niya sa sitcom na si Amy Perez.

"Ano kaya ibalik natin ang 'Palibhasa' tapos ikaw na mag-produce, gusto mo yon? O kaya si Goma (Richard Gomez)," ani Amy na isa sa mga host ng "UKG."

"Ibalik na natin. Tutal naman ipinapalabas sa Jeepney TV eh di gawin na nating normal," tugon ni Carmina.

"Oh my gosh! Ako pa rin si Cathy," dagdag ni Carmina na inalala and ilang tagpo sa "Palibhasa Lalake" kasama si Amy at ang mga bidang sina Richard Gomez, Joey Marquez, at John Estrada.

"Nakakatuwa na every time na napapanood ko siya sa (Jeepney TV) natatandaan ko pa 'yung mga kuwento, 'yung episode na ito na parang kailan lang," ani Carmina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.