BALIKAN: Highlights ng unang PH concert ng bandang U2

Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 08:39 PM

MAYNILA — Dinagsa ng mahigit kumulang 45,000 fans ang kauna-unahang concert sa Pilipinas ng Irish rock band na U2.

Halos 3 oras naki-jamming ang fans sa hit songs na kinanta ng banda. 

"Sunday Bloody Sunday" ang unang inawit nila. Tila trip down to memory lane naman ang nangyari nang sabayan ng fans ang pag-awit nila ng kanilang hit songs na "Pride," "New Year’s Day," "With Or Without You," "Elevation," "Vertigo," at "Beautiful Day."

Kilalang aktibista ng social justice causes ang front man na si Bono kaya binigyang pugay niya ang Red Cross volunteers, journalists, at mga aktibistang tinawag niyang "everyday heroes."

"We salute the journalists who are truth tellers for keeping the country spiritually safe," aniya.

Taos puso ang pasasalamat ng banda sa ipinakitang pagmamahal ng kanilang Pinoy fans.

"Thank you Manila for your patience. I know it’s taken a while getting in the arena tonight. It took us four decades, but we feel very welcome. And this is for sure going to be the best show we ever play in Manila," ani Bono. 

Finale song nila ang "One."

Next stop ng U2 para sa "The Joshua Tree" tour nila ang India.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.