PANOORIN: Beauty Gonzalez, ikinuwento ang pagkikita nila ni Ellen Adarna

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2018 02:22 PM | Updated as of Dec 13 2018 07:10 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez) on

MAYNILA -- Hindi naging matipid sa pagbibigay detalye ang Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez sa naging pagkikita nila ng matalik na kaibigan na si Ellen Adarna.

Matatatandaan na ikinagulat ng marami ang Instagram post ni Beauty kung saan kasama niya si Ellen na kasalukuyan ngayon tutok sa kanyang personal na buhay.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Okay naman siya, mukhang fresh, masaya," kuwento ng aktres sa panayam ng press.

Ayon sa "Kadenang Ginto" star, masaya ngayon si Ellen sa kanyang pribadong buhay.

"She's happy she's having the time of her life, lalo na ngayon na she's living a private life, so ibang experience at ibang adjustments and blooming ang friend ko," kuwento pa ni Beauty.

Nang tanungin naman kung napag-usapan na ba nila ang posibilad ng pagbabalik-showbiz ni Ellen: "Hindi namin napag-uusapan. Siyempre nami-mis namin ang isa't-isa, iba ang napag-usapan namin," aniya.

Bilang kaibigan, labis din daw ang kasiyahan ng aktres para kay Ellen.

"Siyempre masaya ako for her kasi we all want the best for our friends, right? So masaya ako for her," sabi pa ni Beauty.

Kung tatanungin naman sa posibilidad na maging ninang sa anak ng matalik na kaibigan, pahayag niya: "Bakit naman hindi? Ninang siya ng anak ko e, silang dalawa (John Lloyd Cruz)," pahayag pa niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.