PatrolPH

Angeline Quinto, balik-trabaho matapos pumanaw ng ina

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2020 12:00 PM

MAYNILA -- Balik-trabaho na si Angeline Quinto, ilang linggo matapos pumanaw ang kanyang kinilalang ina na si Sylvia "Mama Bob" Quinto.

Sa Instagram, ibinahagi ni Angeline ang retrato niya sa set ng pinakabago niyang proyekto.

Sa kanya namang Instagram Stories na post, ibinahagi ni Angeline ang isang clip kung saan kita ang kanyang pag-awit. 

Sa post, ibinahagi ni Angeline na siya ay nasa "5th day of lock-in taping."

Angeline Quinto, balik-trabaho matapos pumanaw ng ina 1

Nito lamang Oktubre, inalay ni Angeline para sa kanyang Mama Bob ang bago niyang awit na “Huwag Kang Mangamba," na siya ring pamagat ng bagong serye ng ABS-CBN kung saan isa rin siya sa mga bituin. 

Nasa ilalim ng Dreamscape Entertainment ang bagong serye. 

Nitong Nobyembre 7, gamit din ang social media ay ibinahagi ni Angeline ang malungkot na balita na pumanaw na si Mama Bob. 

"Mag-iingat ka sa paglalakbay Mama. Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa paraiso, masaya ako nandyan ang Panginoon para umalalay sa 'yo. Hinding hindi ako mapapagod sa pagpapasamalat sa 'yo Ma, dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo. Hanggang sa muli nating pagkikita," ani Angeline.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.