PatrolPH

Tommy Esguerra, nilinaw ang dahilan ng hiwalayan nila ni Miho Nishida

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2018 03:33 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Binigyang linaw ng actor-model na si Tommy Esguerra ang dahilan ng hiwalayan nila ng dating girlfriend na si Miho Nishida.

Sa panayam kay Tommy nitong Lunes sa "Tonight With Boy Abunda," ibinahagi niya ang pinagdaanan nila ni Miho na kanyang nakilala sa loob ng "Pinoy Big Brother" house.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Miho Nishida (@real.miho_nishida) on

"There were so much stress and so much problems, and especially with the fans and the work getting involved, that we weren't so happy," paliwang ni Tommy sa panayam ni Boy Abunda.

Inamin din ni Tommy na mas minabuti niya ang manahimik na lang noong mga panahon na mainit pa ang isyu ng kanilang hiwalayan.

"If I don't have so much good things to say about the unhappy times... so I don't want to ruin the good times we had talking about the bad times, because wer'e already done e," aniya pa.

Nilinaw din niya na walang naging third party na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Dahil sa pinag-usapan na relasyon noon kay Miho, tila mas pinili ngayon ni Tommy na maging pribado pagdating sa kanyang mga dine-date.

Watch more on iWantTFC

"Ever since my last relationship, I realized that I would rather (keep quiet) at least, while you're still forming your relationship... Ayaw ko muna sabihin ang pangalan niya baka maudlot," aniya.

Binigyang linaw din niya ang pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa anak ni John Estrad at Janice de Belen na si Kaila Estrada.

"Me and Kaila are great friends, like we're great friends," pahayag pa ni Tommy.

Samantala, pinasalamatan ni Tommy ang naging mainit ng suporta sa kanilang pelikula na "Three Words To Forever" kung saan nakapareha niya si Kathryn Bernardo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.