PatrolPH

Empoy Marquez, may bagong trabaho sa Japan

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2018 03:45 PM | Updated as of Dec 17 2018 08:58 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Tila naging malaking tulong para sa Japan Tourism Authority ang naging tagumpay ng 2017 romantic comedy movie na "Kita Kita" na pinagbidahan nila Alessandra De Rossi at Empoy Marquez.

Matatandaan na sa Sapporo, Japan kinunan ang kabuuan ng pelikula.

Watch more on iWantTFC

Dahil dito, napili ang komedyanteng si Empoy bilang tourism ambassador ng Japan sa Pilipinas.

Kuwento ni Empoy, hindi niya inakala ang naging impact ng "Kita Kita" sa turismo sa Japan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ok 9 (@empoy) on

"First of all, flattered kaming dalawa ni Alessandra, at ng buong team ng ‘Kita Kita’ at thankful kami kay God kasi hindi naman namin expected na ganito ang kalalabasan ng pelikula at sobrang blessed po," bungad ni Empoy sa naging panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

Ayon pa sa komedyante, hindi nila inasahan na magkakaroon ng positibong epekto ang kanilang pinaghirapan na pelikula.

"Hindi po ako makapaniwala, kasi syempre ipinagkatiwala sa akin na mang-imbita ng mga turista sa Japan na talaga naman na napakagandang bansa," ani Empoy.

Napa-throwback naman ng kuwento ang komedyante sa kanyang magagandang experience habang binubuo ang "Kita Kita."

"'Yung lugar, ang kahandahan ng Japan at fresh air. Mababait ang mga tao at magalang, sobrang nakakatanggal ng problema," pahayag pa ni Empoy.

Sa ngayon, isa ang "Kita Kita" sa mga pelikulang Pinoy na napapanood na sa Netflix.

Bukod sa pagiging ambassador ng Japan tourism, isang teleserye naman sa 2019 ang nakatakdang kabilangan ni Empoy na mapapanood sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.