PatrolPH

'Magiging nanay na ako': Angeline Quinto kinumpirma ang pagbubuntis

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2021 08:09 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Masayang kinumpirma ni Angeline Quinto na siya’y buntis at inaasahang manganganak Abril ng 2022. 

"Magiging nanay na rin ako," ani Quinto kay Boy Abunda. 

Nagbigay si Quinto ng bahagyang detalye sa pagkakakilalanlan ng kaniyang nobyo.

"Nakilala ko siya kasi kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko... Non-showbiz po. Nu'ng nagkita kami nu'ng isang beses, nagkaroon ng communication, nagtuloy-tuloy," aniya.

Nakilala na rin ito ng adoptive mother niyang si Mama Bob bago ito pumanaw.

Kusa ring inamin ng lalaki ang kanyang nakaraan.

"Kasi meron din siyang anak sa ibang babae.. Sa past relationship niya."

Hindi rin daw ito kasal.

Mapapanood ang kabuuan ng big reveal ni Quinto sa YouTube channel ni Abunda. 

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.