Mica Javier, todo asikaso sa kasal nila ni Jay R

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2019 11:54 AM

MAYNILA -- Nagbigay ng detalye sina Mica Javier at Jay R sa nalalapit nilang kasal sa pagbisita nila sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes.

"Masaya, walang problema," ani Mica.

"Madali lang sa akin kasi si Mica ang nagdedesisyon sa lahat kaya ako chill lang," saad naman ni Jay R.

"Hindi naman ako nagdedesisyon kapag wala kang approval," hirit na sagot ni Mica.

Ibinahagi rin ng dalawa kung bakit nais nila ang beach wedding . 

"Ayaw namin sa siyudad. Gusto namin paligid namin ay nature, tubig," paliwanag ni Mica.

"Ma-nature po kami. Mahilig si Mica sa beach eh. Gusto niyang mag-sun tan," dagdag ni Jay R.

Oktubre noong nakaraang taon nang mag-propose si Jay R kay Mica.

Bago ang inaasahang pag-iisang dibdib ng dalawa sa susunod na taon, abala ngayon sina Jay R at Mica sa kanilang bagong awitin na "Don't Want Another Silent Night."

"Christmas na at gustong-gusto naming gumawa ng bagong music and what a great way to put up music during the holiday season na mga positive messages. So naglabas kami ng isang kanta," ani Jay R.

"Ang istorya ng kanta siyempre ayaw namin magkahiwalay sa Christmas so parang hinahanap-hanap namin 'yung isa't isa," dagdag ng mang-aawit.