Maymay at Edward, magkahiwalay sa Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2019 12:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi magkakasama ang sikat na love team na sina Maymay Entrata at Edward Barber ngayong Pasko.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, ibinahagi ng dalawa ang kanilang plano ngayong Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Edward, sa probinsiya sa magpa-Pasko kasama ang kanyang pamilya tapos ay bibiyahe siya patungong England para makasama ang kanyang lolo.

"Pupunta ako sa La Union. I'm going to spend Christmas with all my family there. So hiwalay kami this Christrmas. Tapos sa New Year pupunta ako sa England, I'm going to be with my lolo. So it's all about my family," ani Edward.

"Pero okay lang po kasi dapat po talaga Christmas for family po talaga 'yan, hindi ba?" mabilis na hirit naman ni Maymay na pamilya rin ang pokus ngayong Pasko.

Ani Maymay, plano niya na magtungo sa Japan para makasama ang ina. 

"Ang plano ko po kasi 'yung last kasi na nag-Christmas kami nung Mama ko ay nung elementary pa. Kaya ang plano ko ay talagang dapat siya ang kasama ko sa Christmas, kasama ang kuya ko at si Rio. Punta ako ng Japan kay Mama," ani Maymay na inamin noon na isang bahay sa Japan ang regalo sa kanyang ina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.