Coco Martin, napasabak sa Inglisan sa mga Hollywood stars

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2019 06:53 PM | Updated as of Dec 10 2019 07:25 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

MAYNILA -- Kumpirmado na sa mga susunod na episode ng "FPJ’s Ang Probinsyano," mga Hollywood stars na ang makakasama sa kuwento ni Cardo Dalisay.

Pagbibiro ng bidang si Coco Martin, napasabak siya sa Inglisan sa pakikipagsarado ng usapan sa mga Hollywood celebrities na ayaw na muna niya pangalanan.

"'Yun nga rin ang pinoproblema​ ko eh, paano ko ididirek 'yun sa English," pagbibirong tugon ng aktor.

Bukod sa karagdagang mga karakter sa "Ang Probinsyano," magandang balita rin ang hatid ni Coco sa mga karakter nina Cardo Dalisay at asawang si Alyana Arevalo dahil mabubuo na ang kanilang pamilya.

"Actually malapit na 'yan kasi ano... Actually kasi family ang core ng show namin, kailangan 'yan (baby). Kailangan mabuo ang pamilya namin," paliwanag ni Coco na direktor din ng serye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.