'ASAP', nagpasaya ng mga batang may kanser, natatanging ina

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2017 02:50 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mga batang may kanser at natatanging ina ang pinasaya ng ilang Kapamilya singers, tampok sa "ASAP Gives Back" ng programang "ASAP" nitong Linggo.

Kabilang sa mga nagtanghal at umawit para sa mga pasiyente ng Philippine General Hospital Cancer Institute ay sina Sarah Geronimo at Ogie Alcasid.

"Iba 'yong sense of fulfillment," ani Geronimo. "Hindi mo lang sinasarili kung ano man 'yong binibiyaya sa iyo."

Samantala, muling kinilala ang dalawang natatanging ina na dating itinampok sa "L.S.S." segment ng "ASAP."

Binalikan ang kuwento nina Emmie Desiderio, isang inang kumupkop sa tatlong ulila mula Samar, at Marites Odarbe, na may Parkinson's disease at nagsisilbing focal person para sa mga taong may kapansanan sa komunidad nila.

May handog ding regalo ang "ASAP" para kina Desiderio, Odarbe at dalawa pang ina ng mga batang may kanser.

"It won't hurt if you go out of your way and make people happy with even the simplest things na kaya mong ibigay," ani KZ Tandingan, isa sa mga nagbigay ng sorpresa sa mga ina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.