PatrolPH

Fans, kinilig sa paghatid ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa airport

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2022 01:56 PM

MAYNILA -- Muling kinilig ang mga tagahanga ng magkasintahan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pinakabong video na ibinahagi ng aktres kung saan kitang inihatid siya ng nobyo sa airport.

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, ibinahagi ni Bernardo ang naging paghatid sa kanya at pamamaalam niya sa aktor sa Ninoy Aquino International Airport bago siya tumulak patungong Thailand kasama ang kanyang inang si Min.

Nasa ibang bansa si Bernardo para sa trabaho.

Sa isa niyang video, maririnig ang pagsabi ni Bernardo ng "Bye, lover" kay Padilla na kumaway sa kanya sabay sambit ng salitang "Ingat."

Ikinatuwa rin ng mga tagahanga ng dalawa ang mga video ng ina ni Bernardo kung saan kita rin ang paghatid ni Padilla sa kanila.

"May paghahatid," caption ng ina ni Bernardo sa video.

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Screen grab: Instagram/@bernardomin
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Screen grab: Instagram/@bernardomin

Nito lamang Mayo ay ipinagdiwang nina Bernardo at Padilla ang kanilang ika-10 taon bilang magkasintahan.

Ang dalawa ay bida ng sikat na serye ng ABS-CBN na "2 Good 2 Be True."

Mula sa artsibo:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.