PatrolPH

PANOORIN: Ikaapat na teaser ng 'The Broken Marriage Vow,' inilabas

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2021 01:29 PM

MAYNILA -- "Wala kang karapatang manakit ng babae."

Ito ang galit at matapang na sinabi ni Dr. Jill llustre (Jodi Sta. Maria) sa pinakabagong teaser nang inaabangang serye ng ABS-CBN na "The Broken Marriage Vow."

Inilabas ng Dreamscape Entertainment ang bagong teaser nitong Huwebes, Disyembre 9. 

Watch more on iWantTFC

Sa ikaapat na teaser, makikita ang pagiging maalagang ina ni Dr. Jill kay Gio (Zaijian Jaranilla), anak nila ng kanyang mister na si David (Zanjoe Marudo). Maliban sa pakikipag-away ni Dr. Jill sa isang lalaki ay saglit ding ipinakita ang pagloloko ni David kasama ang kanyang kaapid (Sue Ramirez).

"Ang bait ng asawa mo pero nagawa mo pa ring magloko. Ihanda mo rin ang sarili sa galit at ganti ng asawa mo," ayon sa teaser.

Sa serye, gagampanan ni Sta. Maria ang karakter bilang isang doktor na masisira ang pamilya dahil sa pagkakaroon ng ibang babae ng kanyang mister.

Ilalabas ang full trailer ng serye sa Disyembre 15.

Base ang "The Broken Marriage Vow" sa sikat na serye ng BBC na "Doctor Foster."

Sa direksiyon ni Connie Macatuno at Andoy Ranay, unang inanunsiyo ang “The Broken Marriage Vow” nitong umpisa ng taon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.