Nagbabalik-showbiz na si Priscilla Almeda, parte na ng 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 03:36 PM

Priscilla Almeda sa 'Ang Probinsyano'

MAYNILA -- Nagbabalik sa pag-arte si Priscilla Almeda o Abby Viduya.

Parte ngayon si Priscilla ng sikat na Kapamilya serye na "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay.

Sa serye, ginagampanan ni Priscilla ang karakter ni Krista Sandoval, isang ina na may bawal na relasyon sa isang negosyante.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagbabalik sa pag-arte si Priscilla higit 10 taon matapos siyang manirahan sa ibang bansa.

Maliban kay Priscila, isa rin ang aktres na si Kim Molina na parte na ngayon ng sikat na serye.

Ginagampanan ni Kim ang karakter ni Bea Malonzo, isang kagawad sa barangay na pinamumunuan ni Alyana (Yassi Pressman), asawa ni Cardo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.