Coco Martin, sinagot ang estado ng love life

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2017 09:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dream come true para sa "Ang Probinsyano" star na si Coco Martin na maging direktor ng pelikulang "Ang Panday" na pinasikat ng "King of Philippine Movies" na si Fernando Poe Jr.

Bukod sa direktor at bidang aktor si Martin, siya rin ang producer at nagsulat ng script ng pelikula.

"Nasa indie pa ako gustong-gusto ko na magdirek. Siguro naramdaman ko sa sarili ko na ito na ang tamang pagkakataon. Sina Tito Eddie (Garcia), matagal ko na silang katrabaho at kaibigan. Kumbaga habang nagshu-shoot din po ako, humingi ako sa kanila ng guidance," ani Martin.

Inspirasyon din para kay Martin na i-direk ang mga beteranong artista.

Ayon kay Martin, naiibang Panday ang mapapanood ng fans.

"Inaral ko storytelling, kung ano ba ang nauuso ngayon, siyempre sinasabayan ko rin ang mga millennial at the same time, mayroon pa ring touch ng old na 'Panday.' Iniba ko siya, pinilit ko kasi siyang ibahin. Sabi ko nga pinasok ko 'yong both world na natutuhan ko sa indie at 'tsaka sa mainstream," kuwento ng aktor.
 
Aminado si Martin na dahil sa dami ng trabaho, wala siyang gaanong oras sa love life.

"Hindi ko na maisingit e," sabi ni Martin.

Sa kabila ng busy na schedule, bumiyahe papuntang Florence, Italy si Martin para makiisa sa 10th anniversary ng Kapamilya Fiesta World.

Kasama ni Martin na makikisaya sa mga Kapamilya abroad sina Yassi Pressman, Awra, John Prats, at Pooh.

"Gusto ko talaga every Christmas, nagpupunta ako sa ibang bansa para makapagpasalamat ako sa mga OFW kasi siyempre po, isa po sila sa sumusuporta sa 'Probinsyano' at 'tsaka sa lahat ng mga pelikulang ginagawa ko."

-- Ulat ni Rose Eclarinal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.