Vic Sotto, pinapurihan ang galing ni Coco Martin

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2018 12:41 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

MANILA -- "He deserves what he is right now."

Ito ang sinabi ng batikang aktor at host na si Vic Sotto patungkol sa aktor na si Coco Martin na kasama niyang bida sa pelikulang "Jack Em Popoy: The Puliscredibles." 

Sa press conference para sa nasabing proyekto, kinilala ni Vic ang galing ni Coco bilang isang aktor.

"Si Coco nung magkasama na kami meetings palang and all that, sa shooting, nakita ko kung bakit siya successful. He deserves what he is right now. Kung anuman ang narating niya ngayon from where he was. Kung ano siya ngayon, he deserves it," ani Vic na inaming napanood niya ang ilang proyekto ni Coco.

"Dahil nakita ko 'yung sipag niya sa trabaho, 'yung puso niya sa trabaho. 'Yung passion niya sa trabaho. Hindi puwede sa kanya 'yung 'okay na 'yon, ayos na 'yon.' Kailangan perpekto. Perpketo ang eksena at dialogues," dagdag ni Sotto.

Maliban sa pagmamahal sa kanyang trabaho, saludo rin si Vic sa galing ni Coco pagdating sa pakikisama. 

"At more importantly 'yung pakikisama sa trabaho. Nakita ko 'yun, 'yung gaano niya kamahal hindi lang yung katrabaho niya, kahit sino ay may malasakit siya sa kapwa," ani Vic.

Para naman kay Coco. na bida ng sikat na Kapamilya serye na "FPJ's Ang Probinsyano," isang karangalan ang mabigyang pansin at makatanggap ng papuri mula sa kanyang idolo.

"Siyempre po nakakahiya, kasi si Vic Sotto po, Bossing. Sa aming baguhang artista, lalong-lalo na po ako, kapag nakakakita ako ng mga iniidolo kong artista ay namimilipit po kami, parang 'yung respeto at pagmamahal," ani Coco.

Kasama rin si Maine Mendoza, ipapalabas ang "Jack Em Popoy: The Puliscredibles" sa araw ng Pasko.