Catriona Gray, 'hot pick' ng Miss Universe fans

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2018 09:04 AM | Updated as of Dec 07 2018 09:08 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Kaniya-kaniyang suporta sa mga kandidatang paborito at kaniya-kaniyang reveal ng "hot picks" ang Miss Universe fans matapos ang isang linggo ng 2018 Miss Universe candidates sa Thailand.

Sa pre-arrival pa lang ng mga kandidata, nanguna na agad ang bet ng Pilipinas na si Catriona Gray.

Si Catriona rin ang choice ng Latin pageant fans at mahigpit daw ang magiging laban ni Catriona kasama si Miss Venezuela at Miss Colombia na mga suki sa "hot picks" taun-taon.
 
Ang first transgender candidate na si Angela Ponce mula sa Spain ang bet ng ibang pageant watchers dahil napapanahon na raw alisin ang diskriminasyon.

Pero mapapansin na number three sa kanilang choice si Catriona.

Sa mga opinion ng Miss Universe fans, nahuhusgahan kaagad ang ilang kandidata dahil sa issues at advocacies na kanilang ipinaglalaban.

Kaya naman inaasahan na isa ito sa pinaka-exciting na labanan para sa korona bilang Miss Universe 2018 na mapapanood ang coronation show sa Dec. 17.