Louise delos Reyes, ibinahagi ang kanyang fangirl moment kay John Lloyd

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 12:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Malalim na hugot ang ibinahagi ni Louise delos Reyes sa media conference ng kanyang upcoming movie na "My Bakit List."

Kuwento ng aktres, tagos sa puso ang kanyang mga hugot sa pelikula matapos ang halos magkasunod na pagpanaw ng kanyang mga magulang ngayong taon.
 
"Actually medyo sentimental talaga ang ‘bakit’ ko. Kasi ito talaga 'yung pinaka-‘bakit’ ko, bakit kailangan na mawala ng mga tao?" aniya.

Ayon pa kay Louise, hindi niya maiwasan na tanungin minsan ang sarili kung bakit kailangan siyang iwan agad ng kanyang mga magulang.
 
"Bakit may mga taong nawawala? In a Christian way, you will see that as kasama na nila si God. Pero minsan hindi ko maiwasang tanungin kung bakit kailangan na kuhanin sa atin. Bakit hindi na lang mabuhay forever? Or sa other end ba pag namatay ba tayo, makikita ba natin sila?" aniya.
 
Samantala, masaya namang ikinuwento ni Louise ang pagiging fangirl kay John Lloyd Cruz.

Pag-amin ni Louise, minsan na siyang naging stalker ni John Lloyd.

"Nakita ko siya accidentally noong nagba-bike ako. Mayroon siyang cap noon, hindi ko sure kung nagja-jogging siya. [Naisip ko] 'Susundan ko ba siya, susundan ko ba siya? Ayaw ko, ayaw ko maging stalker.' Gusto ko siyang makatrabaho,” aniya.
 
Mapapanood ang "My Bakit List" ngayong Disyembre 11 sa direksyon ni Bona Fajardo.