Halik: Jade, gustong ipaako kay Lino ang pagbubuntis

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 08:58 AM | Updated as of Dec 06 2018 11:18 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- "Paano kung ikaw ang ama ng dinadala ko?"

Ito ang mabigat na sinabi ni Jade (Yam Concepcion) kay Lino (Jericho Rosales) para ipaako ang kanyang pagbubuntis matapos itong hindi panagutan ni Ace (Sam Milby).

Sa episode ng sikat na seryeng "Halik" nitong Miyerkoles, muling pinuntahan ni Jade si Lino para ipaako ang kanyang pagbubuntis.

Bago ang kanilang paghaharap, kumbinsido si Jade na hingin ang tulong ni Lino para sa kanyang magiging anak.