Kim Chiu, maaayos na ang lagay matapos kagatin ng aso

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 04:15 PM | Updated as of Dec 05 2019 04:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv


MAYNILA -- Ligtas na raw ngayon sa rabies ang Kapamilya star na si Kim Chiu matapos siyang kagatin ng aso sa Bonifacio Global City sa Taguig.

"Okay naman na. Marami lang injections pero siyempre, maganda na rin na ma-prevent natin na maging aso ako," pabirong tugon ni Kim sa panayam nitong Huwebes.

Matapos ang insidente, nais ni Kim na maging aral para sa iba na magdoble-ingat sa paghawak sa mga hindi kilalang aso.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

"Pinost ko siya sa Instagram ko para to raise awareness na huwag basta-basta humawak ng mga aso. Kasi hindi biro ang mahal ng mga tusok at injections. Maraming injections at pabalik-balik sa hospital so ingat lang rin sa mga dogs na hindi niyo kilala or hindi hawak ng mga may-ari," ani aktres.

Wala na rin sa plano ni Kim na ireklamo pa ang may-ari ng asong nakakagat sa kanya. "Bahala na lang sila," aniya, dahil hindi rin ito kagustuhan ng may-ari ng asong kumagat sa kanya.

"Sana lang alam niya 'yung nangyari," ani Kim.

"Hindi ko alam kung alam niya kasi wala siya eh, iniwan niya sa likod 'yung aso niya. So 'yung owner, nauna na siya and alam niyang susunod sa kanya si dogs, dalawa sila.... Ta's hinawakan ko, ganda eh. Wala pang one minute nasa hospital na rin ako," pahayag pa ng aktres.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.