JC de Vera, nagbigay-update sa nalalapit na kasal

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 04:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Sinimulan na ng aktor na si JC de Vera ang kanilang paghahanda para sa kaniyang nalalapit na kasal sa nobya na si Rikka Cruz.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Char Tinio (@charissetinionp) on

"Right now, nakikipagusap na kami sa couple of suppliers. Plan namin is out of town in a very memorable fun-filled day," tugon ng aktor sa "Tonight With Boy Abunda" nitong Miyerkoles.

Sa panayam, ikinuwento rin ni JC ang magiging wedding participation ng kanilang anak na si Lana Athena.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JC de Vera (@akosijcdeberat) on

"Ayaw ko siya maging flower girl," sabi pa ng aktor. "Parang naiisip ko lang, kailangan pakasalan din, ganun, so ihahatid siya ng dalawang brother-in-law ko."

Ayon pa kay JC, traditional church wedding ang kanilang magiging kasal ni Rikka na dadaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.