Ian Veneracion, masayang makasama muli si Regine Velaquez sa concert

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 11:25 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYANILA -- Ipinagmalaki ni Ian Veneracion na sa kanyang darating na concert na "MusicIan On Stage" makakasama niya sina JM de Guzman at Regine Velasquez.

Pangalawang pagkakataon na itong guesting ni Regine kay Ian kaya't thankful ang aktor.

"Mahihiya ako lumapit kay Regine even though pinagbigyan niya ako noon sa Music Museum, kaya lang nahihiya ako lumapit ulit para mag-guest siya sa akin pero surprisingly she said yes," ani Ian.

Personal na kaibigan at paboritong leading lady ni Ian si Bea Alonzo. Kwento ni Ian na kayang-kaya kumanta ni Bea at maging performer.

"Si Bea? Sana mag-concert din si Bea kaso sobrang mahiyain siya kumanta, hindi lang basta kanta, kaya niya kumanta talaga," ani Ian.

Kahit busy sa kanyang pagkanta, hindi iiwan ni Ian ang pag-aartista

"Of course, I'm not quiting my day job which is movies and television pero kung puwede, kung kakayanin hanggang sa pagtanda ko nagtu-tour ako, go to different places and perform music with your band," ani Ian.

Kasama si Ian sa pelikulang "Unbreakable" at sa aabangang proyektong "Block Z."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.