Angel Locsin, nagpuntang Japan para mapanood ang U2

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 11:56 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

MAYNILA -- Dream come true para sa aktres na si Angel Locsin ang mapanood ang concert ng bandang U2.

Nagtungo sa Japan ang aktres para mapanood ang paborito niyang banda.

Kuwento ni Angel sa kanyang Instagram post, naiyak at nagtatalon siya sa concert kaya wala siyang matinong video.

"Buong buhay kong pinangarap to! Maraming salamat U2. Mahal kita Bono! Naiiyak ako na nagtatalon ako at wala akong matinong video pero nag-enjoy naman ako sa event," ani Angel sa kanyang caption.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.