Nasaan si Zsa Zsa? Karylle, tinanong tungkol sa 'ASAP Natin 'To'

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2018 05:39 PM | Updated as of Dec 05 2018 06:55 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Karylle (@anakarylle) on

MAYNILA — Masayang nagbigay update ang singer na si Karylle sa kasalukuyang estado ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla.

Kasunod ito ng espekulasyon tungkol sa parte ni Zsa Zsa sa "ASAP Natin 'To," ang bagong bihis ng long-running Sunday concert variety show.

"Hindi ko nga alam ang present status, kasi may mga kaganapan na hindi pa [final], and I can't say kasi hindi pa siya tapos. So wait-wait lang siguro tayo kung ano ang mangyayari," tugon ni Karylle sa launching ng kanyang latest single na "It's Christmas Time" kasama ang Indonesian singer na si Calvin Jeremy.

Ayon pa kay Karylle, nag-open up din sa kanya ang ina tungkol sa mga bagong nangyayari sa karera nito. "Siyempre naman close kami 'no," ani Karylle.

"She's my first love talaga and siya talaga 'yung naging inspiration ko for a song and I guess, it comes back to that, whatever happens," dagdag pa niya. 

Para kay Karylle, positibo parin na hinaharap ngayon ni Zsa Zsa ang buhay, at kamakailan itinuon muna ang atensyon sa farming.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

"Actually siya nga ang nag-su-support sa akin, e. Hindi ko naman naisip na may problem or anything. Wala naman, kasi she's okay, she just came from Cebu, she did like a crash course on farming. She's been in to it since the whole of last year," pahayag pa ni Karylle.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.