MAYNILA -- Iba ang saya ni Zsa Zsa Padilla nang maranasan ang simpleng pamumuhay sa probinsiya.
"Alam niyo kung bakit ko ito na-e-enjoy? Hindi kasi ako lumaki sa probinsiya. Laking Manila ako at sobrang nae-enjoy ko siya ngayon in my golden age," ani Zsa Zsa sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes.
Ibinabahagi ni Padilla ng kanyang buhay sa tuwing siya ay nasa probinsiya sa pamamagitan ng kanyang vlog.
Dahil na rin sa pandemya, ibinuhos ni Padilla ang kanyang oras sa kanyang Esperanza Farms sa Kilib, Lucban kung saan kasama niya ang kanyang partner na si Conrad Onglao.
"Palagi kong sinasabi na life is too short, parang touch and go ang buhay ngayon. Parang kausap mo ngayon, bukas wala na siya. Sobrang daming uncertainties na nangyayari na naisip ko I just want to be happy at kahit paano magbigay ng... kasi kapag performer ka, entertainer ka gusto mo mag-entertain. Siyempre nauso ang medium na YouTube so naisip ko na imbes na narito ako sa bahay gusto ko full force kumbaga. Para sa akin lang naman, ayaw ko 'yung nasa bahay magkukuwento. Gusto ko talaga lalabas ako at ibibigay ko sa tao sa feeling ko na magugustuhan nila," aniya.
Para kay Zsa Zsa, maaring maging simple lang ang buhay.
"Life could be simple, if you want it to be. Siyempre katulad namin, itong mga nakikita niyo ngayon ay pinangarap namin, pinlano namin ito. Importante talaga na pag-iisipan at paplanuhin," ani Zsa Zsa na 56 anos na.
"Sa panahon ngayon kailangan isipin natin kung ano ba talaga ang bagay na nakakapagpasaya sa atin, 'yung hindi material. We have to connect to what we feel and everybody now parang feeling ko naghi-heal na tayo. We're on the stage that we're all healing and it's important to give support to each other. I think it's more important na healthy tayo... 'Yun ang importante sa ngayon," ani Zsa Zsa na nakatanggap din ng espesyal na mensahe at pasasalamat mula sa kanyang panganay na anak na si Karylle.
Related news:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.