PatrolPH

Carmina Villaroel, nanghinayang nang mapalitan sa 'The Heiress'

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 06:12 PM

MAYNLA -- Hindi na big issue para sa TV host-actress na si Carmina Villaroel ang mapalitan siya sa pelikulang "The Heiress" ng Regal Films.

Kuwento ni Carmina, sanay na siya sa mga ganitong pagkakataon na nagpapalit ng mga bida sa mga proyekto.

"Hindi naman na ako nagugulat na, matagal na ako sa industriya. Minsan nga nag-shooting ka na pero napapalitan ka pa eh. What more pa kaya ito,” ani Carmina sa panayam sa media conference ng "Sunod" na bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival.

Hindi naman natuloy sa "The Heiress." aminado si Carmina na may kaunting panghihinayang siya sa proyekto kung saan pinalitan siya ni Sunshine Cruz.

"Ang sa akin lang, sayang naman kasi parang I was looking forward to it. Sobrang excited ako na makatrabaho si Ate Maria (Maricel Soriano), first time ko with Janella (Salvador), but no hard feelings," saad pa niya.

Watch more News on iWantTFC

Naniniwala rin ang aktres na may magaganda pang pagkakataon kung hindi man natuloy ang isang proyekto.

"I don't know if it's a misunderstanding pero na-weirdo-han lang ako na it was offered to me, nagkaroon ng story conference, na-interview na kami, we are about to shoot, but.... Hindi lang nagka-agree-han, na ang weird. Pero it happens," pahayag pa niya.

Sa ngayon, looking forward Si Carmina sa kanyang pagbabalik-MMFF ngayong taon para sa pelikulang "Sunod" ng TEN17 Productions.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.