'Ready na ako talikuran ang showbiz': Jessy Mendiola, todo pasasalamat sa MMFF project

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2018 07:08 PM

MANILA -- Hindi napigilan na maging emosyonal ni Jessy Mendiola sa naganap na media conference ng "The Girl In The Orange Dress," isa sa mga pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Watch more in iWant or TFC.tv

Dito, inamin ni Jessy na tila naging sagot sa kanyang panalangin ang MMFF project matapos makapagdesisyon na talikuran na ang showbiz.

Watch more in iWant or TFC.tv

"It’s been a wonderful experience playing Anna and she’s very close to my heart. Kasi dumating siya sa panahon na ready na ako talikuran ang showbiz, kaya thank you po sa pagbalik ng passion ko," emosyonal na pahayag ni Jessy.

"Pakiramdam ko kasi hindi talaga ito (showbiz) para sa akin. Siyempre 'yung sa lahat ng negative comments for the past two years, parang pakiramdam ko na hindi talaga ito right for me. Kaya nag-isip na rin akong umalis or mag give-up," pag-amin niya sa press.

Bahagi naman ng kanyang desisyon ang boyfriend na si Luis Manzano na suportado ang kanyang mga plano sa buhay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

"Yes, tinatanong ko sa kanya lahat. Sini-share ko lahat sa kanya ng saloobin ko about showbiz. Lalo ngayon sa panahon ng social media, malala na ang negativity," ani ng Kapamilya actress.

"Kasi sa sobrang negativity sa buhay mo, gusto mo na lang talikuran lahat, pero he’s very supportive sa lahat ng decision ko. Noong sinabi ko na gusto ko na mag-give up, sabi niya, 'sige bumalik ka sa gusto mong gawin, susuportahan kita.' Ganun, part na din siya ng nagiging decision ko sa buhay," paliwanag pa niya.

At nang tanungin naman kung ano ang kanyang naging plano sa kanyang muntik na pagtalikod sa showbiz, sagot ni Jessy: "Balak ko pong bumalik sa pag-aaral, siguro. I don’t know, dumating din ako sa point na gusto kong humanap ng gagawin ko na iba maliban sa showbiz."

"Pero iba rin si God. 'Pag feeling mo na walang wala na, biglang may darating na ganitong malaki na blessing."

Sa darating na Disyembre 25 mapapanood ang "The Girl In The Orange Dress" at iba pang pelikula na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.