'Magandang Buhay' hosts nagpa-picture kay Iron Man

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2017 03:33 PM | Updated as of Dec 04 2017 03:57 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Hindi naitago ang ngiti ng mga host ng "Magandang Buhay" sa bihirang pagkakataon na makilala si Iron Man.

Nitong Lunes sa "Magandang Buhay," game na game na nakipag-picture sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal kasama ang kani-kanilang mga anak kay Iron Man sa pagbisita nila sa Hong Kong Disneyland.

Nakakatuwa rin ang ginawang pang-uudyok nila Melai at Jolina kay Karla na gawin ang superhero pose nito bilang Barna kasama si Iron Man.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.