Derek, masayang makabalik bilang Kapamilya

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2017 11:51 AM

Ganadong ikinuwento ni Derek Ramsay sa press conference ng kanilang Metro Manila Film Festival movie na "All of You" na nagkaayos na siya at ang management ng ABS-CBN.

Malaking tulong daw ito sa kanyang career bilang aktor.

"I sat down with management of ABS-CBN to just finally have a talk about what happened. Matagal na dapat nangyari 'yun. And I'm happy we were able to sit down in one room and quash whatever it was that was there," ani Derek.

Unang assignment agad ni Derek ang isang Star Cinema movie na kanyang paghahandaan.

"One step at a time. I'm doing a movie with Bea and Paolo Avelino for Star Cinema," ani Derek.

Napa-throwback at senti pa si Derek ng muling makabalik sa ABS-CBN kung saan marami siyang ginawang markadong mga proyekto.

"It was nice to walk down the hallways. It was nice to have a chat with Sir Gabby (Lopez) and to see Tita Cory (Vidanes), Tita Malou (Santos), especially. Tita Malou was the one who that told me that I have the eyes and the talent for this industry," ani Derek.

Ipapalabas ang pelikulang "All of You" sa December 25. Ito ay official entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.