Regine gustong i-perform ang 'Tala' sa concert nila ni Sarah

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2019 07:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Magpapalitan ng hit songs sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo, na kanilang ipe-perform sa concert nila sa Pebrero 2020.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa 2 mang-aawit, ibinahagi ni Geronimo na gusto niyang awitin ang "Tuwing Umuulan" at iba pang kanta ni Velasquez.

Pero mas pasabog ang gustong gawin ni Velasquez.

"Ako, 'Tala' lang [gusto i-perform]. Kasi 'yon kabisado ko na 'yon, pati 'yong dance," ani Velasquez.

Ito ang unang beses na magsasama sa concert sina Velasquez at Geronimo kaya hindi maitago ng 2 ang kanilang saya na makatambal ang isa't isa.

"I'm very very happy that it's finally happening. Dream come true," ani Geronimo.

Nagbalik-tanaw din ang 2 sa pagsisikap nilang tulungan ang kani-kanilang mga pamilya kaya naging kontesera sila noong kanilang mga kabataan.

Natawa na lang si Velasquez nang bansagang "patron saint" ni Geronimo ng mga nais maging mang-aawit.

"Parang si Miss Reg kasi 'yong patron saint ng mga aspiring singer like lahat po talaga," ani Geronimo.

"'Yong journey niyo po kasi lahat nakaka-relate," sabi ni Geronimo kay Velasquez. -- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.