Lani Mercado, aprubado ang mapapangasawa ni Jolo Revilla

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2019 01:11 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on


MAYNILA -- Tuloy na tuloy na ang kasal ng actor-politician na si Jolo Revilla sa kanyang nobya na si Angelica Alita na gaganapin sa Disyembre 15.

Sa naging ulat ng Push, nagbigay detalye ang ina ni Jolo na si Lani Mercado sa ginagawang paghahanda ng kanilang pamilya sa nalalapit na kasal ni Jolo.

"It's a Christian wedding. This will be the first male na may ikakasal akong anak," ani Lani sa ulat.

Personal na desisyon rin daw ni Jolo na gawin sa Amerika ang kasal, kasama ang kanilang buong pamilya.

"Sila ang nag-decide. Parang idol talaga ni Jolo si Papa niya, kasi 'di ba, ang unang kasal namin was in the States, pero that was very solemn, very simple. Ito, he opted to do in the States. Jolo is 31, he's of age and I do believe na tamang panahon ito para sa kanya," ani Lani.

At bilang nanay, wala rin tutol si Lani sa magiging asawa ng kaniyang anak.

"Siguro, sa pagkakakilala ko kay Angel, masasabi ko, kahit siya ay beauty queen ay simple siyang tao. She's very supportive of Jolo. Nakikita ko at peace si Jolo with her. Basta ang alam ko very supportive partner siya," ani Lani.

"Kasi if she opted to be a career woman, malamang hindi niya pakakasalan si Jolo this year at she vied for Binibining Pilipinas kasi she was being groomed to follow the footsteps of Catriona [Gray], kasi nasa Team Catriona siya, eh. Pero mas pinili niya ang pag-ibig. Mabait na bata naman siya."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.