Julia Barretto, siniguro na tuloy ang zombie movie na 'Block Z'

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2019 01:25 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia (@juliabarretto) on

MAYNILA -- "We're showing na, as in malapit na."

Ito ang sinigurado ng Kapamilya star na si Julia Barretto nang hingan ito ng update sa upcoming zombie movie na "Block Z."

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Julia, nasa masusing editing stage na ngayon ang kanilang proyekto.

"Kasi ang tagal talaga nang pagtapos ng editing, kasi siyempre it's an action film tapos zombies pa, and sa ibang bansa pa in-edit," kuwento ni Julia sa panayam ng Push.

Bukod sa "Block Z," abala rin ngayon si Julia sa isang iWant series kasama si Tony Labrusca.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.