James at Nadine, matatagalan pa bago magsama muli sa isang proyekto

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2019 05:17 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Reid (@james) on

MAYNILA -- Tila matatagalan pa bago magsama muli sa isang proyekto ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre. 

Kasunod ito ng naging pahayag ng aktor nang tanungin kung kailan sila magsasamang muli ni Nadine sa isang proyekto. Huli silang nagsama sa pelikulang "Never Not Love You" noong 2018.

"In the pipeline, none right now," ani James sa press. "I admit it's challenging but we're trying to work things out."

Ayon pa sa aktor, isa sa naging hamon sa kanilang pagtatambal sa isang proyekto ang pagkakaroon ng magkaibang management team.

Matatandaan na Setyembre nitong taon, nagdesisyon si James na lisanin ang Viva Artist Agency na parehong management team nila ni Nadine.

"Since I left Viva, it's been... Just waiting for things to settle down, so that we can work out how we can work together in the future," ani James.

Sa ngayon tutok si James bilang isang music producer.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.