Ian Veneracion, gusto magretiro sa showbiz bilang singer

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2019 05:34 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr) on

MAYNILA -- Balik-concert stage ngayon ang aktor na si Ian Veneracion para sa kanyang upcoming show na "The MusicIan On Stage" na gaganapin sa The Theater ng Solaire.

Kuwento ng aktor sa press, hindi niya inasahan na magtutuloy-tuloy ang kanyang karera bilang isang singer.

"Wala naman 'to sa plano," aniya sa panayam ng press. "Just trying out new things, and okay pa naman and nakakatuwa lahat. Pero, of course, I'm not going to quit my day job which is movies and television."

Dahil nagtutuloy-tuloy ngayon ang karera bilang mangaawit, aminado si Ian na isa ito sa nagpapasaya sa kanya ngayon.

"I can imagine myself na kung kakayanin, sana pagtanda ko, nagto-tour ako, we go to different places to perform music with your band mga ganun. Pangarap ko siya," ani aktor. "Parang sa akin it's an ideal dream for my future."

Sa ngayon, tutok muna sa kanyang nalalapit na concert ang aktor na gaganapin ngayong Disyembre 14 kasama ang kanyang special guests na sina JM de Guzman at Regine Velasquez.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.