'Hello, Love, Goodbye', unang inalok kay Daniel Padilla?

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2019 07:42 PM | Updated as of Dec 03 2019 08:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Sa "Tonight With Boy Abunda" nitong Lunes, inamin ng aktor na si Daniel Padilla na unang inalok sa kanila ni Kathryn Bernardo ang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na pinagbidahan ni Kathryn kasama si Alden Richards.

"In-offer naman sa akin 'yun Tito Boy. Sa amin naman talaga original 'yun, originally dapat 'yun para sa amin," pahayag ng aktor.

Kuwento ni Daniel, dumaan sila ni Kathryn sa mahabang proseso bago mapagkasunduan na maghiwalay pansamantala ng landas sa kanilang gagawing proyekto.

"Napag-usapan namin 'yun after 'The Hows Of Us' na magpapahinga muna kaming dalawa," aniya.

"Hindi siya mabilis na proseso (na parang) 'okay, gawin mo na, gawin mo na siya.' Hindi ganun kadali. Isa siyang mahabang proseso. It's something new sa amin and parang out of nowhere si Kathryn nagtatanong kung paano 'to kung ready na ba siya and mahaba siyang usapan."

Ayon pa kay Daniel, tiwala sa isa't isa ang pinaghawakan nila ni Kathryn noong mga panahon na gingawa ang "Hello, Love, Goodbye."

"Kailangan mo rin ibigay ang tiwala mo e, kailangan mong ibigay ang tiwala sa nakaisip ng pagsasama na 'yun," ani Daniel.

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinanong din si Daniel kung nakaramdam ba siya nang pagseselos kay Alden. "Masyadong mababaw ang selos, hindi ako nagselos, hindi siya selos, it's just different. It's a different feelings," paliwanag ni Daniel.

"Kasi ang selos makukuha mo lang 'yan kung saan-saan eh. Ito ibang usapan siya eh. Doon nagkaroon ng security, doon kami lalo naging tight ni Kathryn, nang dahil doon." 

At sa loob ng mahigit na isang buwan na shooting ng pelikula ni Kathryn sa Hong Kong, inamin ni Daniel na hindi ito naging madali para sa kanya.

"Noong umalis siya andon ako sa puntong, I was in dark times noong nangyari 'yun," pag-amin ng aktor. "Hindi 'yun basta okay lang ako. It was different. Minsan nasa banyo ako for hours lang, andon lang ako."

Paliwang ni Daniel: "Minsan kasi maiisip mo, ano na nga ba nangyayari doon, di ba?. Hindi naman sa inisipan ko ng masama si Alden, hindi 'yun. And hindi ko rin naman siya pwede tawagan every time dahil nag-shooting sila," pahayag pa ni Daniel.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.