Richard Gutierrez, ibinida ang galing nina Angelica at Bea sa 'Unbreakable'

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2019 11:50 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Ibinida ng aktor na si Richard Gutierrez sa kanyang Instagram ang kanyang "Unbreakable" co-stars na sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Ibinahagi ng aktor ang larawan ng dalawa habang magkayakap sa isang emotional scene para sa nasabing pelikula.

Kuwento ni Richard, sa kanyang mga mata, walang duda na sina Bea at Angelica ang mga pinakamahusay na aktres ng kanilang henerasyon.

Palabas pa rin ang "Unbreakable" sa mga sinehan.

-- Umagang Kay Ganda, Disyembre 2, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.