Judy Ann proud sa pagkapanalo sa Cairo film fest

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2019 01:42 PM

Ipinagmamalaki ni Judy Ann Santos ang pagkilala ng Cairo International Film Festival sa kaniyang husay sa pag-arte, na aniya'y isang pagkapanalong inaalay niya sa buong bansa.

Nagwagi si Santos kamakailan bilang best actress sa 41st Cairo International Film Festival para sa kaniyang pagbida sa pelikulang "Mindanao" ng direktor na si Brillante Mendoza.

"Shine-share ko 'yong award na 'to... sa buong Pilipinas. Kasi finally after so many years, nakilala uli ang mga Pilipino at buong Pilipinas sa Cairo International Film Festival," ani Santos.

"Nakaka-proud na I was able to do this for our country," dagdag niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Yung nagising ako kaninang umaga ng gulay na gulat at takang taka kung bakit ako kino congratulate ng napakaraimng kaibigan ko sa text.. hindi naman ako buntis, hindi naman ako kasali sa sea games.. hindi rin naman ako nanalo sa lotto. Mas higit pa pala sa lotto ang napanalunan ko!!!! Gusto kong isiping nananaginip lang ako.. baka hindi pa ko gising siguro? 😅 in denial pa ko sa simula.. pero nung si direk brillante na ang nag text sa akin.. unti unti na kong natauhan at naiyak.. grabe! Sa malamang habang tinatawag ang pangalan ko sa egypt.. kasalukuyan kong iniiskoba ang sahig ng kusina ko sa angrydobo. 😆Napakarami at napakalaki ang dapat kong ipagpasalamat sa panginoon.. hindi pa natatapos ang 2019, binusog na nya ng sobra sobra ang puso ko sa napakaraming bagong experiences ang binigay nya sa akin.. ibat ibang lugar ang napuntahan ko sa ibat ibang larangan ng industriyang mahal ko at patuloy kong inaaral. Maraming maraming salamat po.. sa inyong lahat na patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa aking munting kakayahan bilang artista at kusinera.. sa lahat ng kasama kong bumuo ng pelikulang MINDANAO.. para sa atin ito guyzzzz... @brillante_mendoza maraming salamat sa tiwala at pagtyatyaga sa akin.. to my launchpad family.. malaking parte kayo ng recognition na ito.. thank you for supporting me in everything that i want to do and explore.. to my little angels.. yohan, lucho and luna.. if it weren’t for you guys... mom would’ve had a hard time portraying my character.. to my mom, kuya and ate.. para sa inyo to.❤️❤️ my love.. rye.. thank you for always supporting me in everything i do and love.. my heart is soooooo full!! Iba ang pilipino! MABUHAY ANG PILIPINAS! ❤️❤️❤️

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday) on

Sa kabila ng pagiging proud, inamin ni Santos na hindi pa rin siya makapaniwala sa nakamit.

"Hindi pa rin ako talaga makapaniwala thinking finally I was able to receive an award as an international actress," ani Santos, na binansagang "Teleserye Queen."

Todo-puri rin si Santos sa kanilang direktor, mga co-star, at buong production team ng "Mindanao."

"Nakita ko kung gaano sila ka-hardworking but at the same time, ang sarap nila kasama sa trabaho because it really doesn't feel [like] work at all," aniya.

Ayon kay Santos, naging mas mulat siya sa maraming bagay dahil sa kaniyang papel sa pelikula.

"With our Muslim brothers and sisters, with our country, sa struggles ng isang ina na may cancer ang anak," ani Santos.

"Truth be told, 'pag umuuwi ako galing sa shoot namin, lagi ang bigat ng puso ko kasi masyadong realistic 'yong pagkakagawa ni Brillante Mendoza ng pelikula every time," dagdag niya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa "Mindanao," ginagampanan ni Santos ang papel ng isang ina na nag-aalaga ng anak na may kanser, at asawa na isang aktibong sundalo.

Noong Oktubre, pinuri rin si Santos dahil sa "Mindanao" nang i-premiere ang pelikula sa Busan International Film Festival.

Nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa Disyembre ang "Mindanao," na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival.  -- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.