Carmina at Kris, napag-usapan ang future nila sa MMFF

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2019 07:49 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) on

MAYNILA -- Muling magbabalik ngayong 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang TV host-actress na si Carmina Villaroel na bida ngayon sa pelikulang "Sunod" ng TEN 17 Productions.

Ang "Sunod" ang kaisa-isang horror movie sa 8 pelikulang mapapanod ngayong taon sa MMFF.

Ayon kay Carmina, extra special rin sa kaniya ang proyekto dahil ito ang kanyang pagbabalik-horror sa MMFF, Huling napanood si Carmina noong 1990 sa "Kulam" episode ng "Shake Rattle & Roll 2."

"Kasi 'yung nagawa ko in the past, horror comedy tapos mayroon naman straight na horror lang, tyanak, maingay 'yung sisigaw ka. With this one since kami horror drama, medyo quiet lang, pero 'pag nakita mo ang trailer, wala ka naman nakikita pero bakit kikilabutan ka, parang ganun," ani Carmina sa panayam.

Watch more in iWant or TFC.tv

Masaya rin si Carmina na aprubado ng kaniyang ninang sa kasal na si Kris Aquino ang pagpasok ng pelikulang "Sunod" ngayong taon sa MMFF.

Matatandang na-disqualify ang "K(ampon)" ni Kris na bahagi rin sana ng walong pelikulang kalahok sa 2019 MMFF.

"Noong una, nag-congratulate ako sa kaniya, kasi siya 'yung nakapasok sa first four kasi nagti-text text naman kami. Then noong lumabas nga sa news na hindi na napasama kasi na-disqualify nga 'yung movie nila, I also texted her," sabi ni Carmina.

"Sinabi naman niya na sana kami 'yung pumalit sa slot nila at 'yun nga ang nangyari. Happy naman na kami 'yung pumalit but at the same time, siyempre sad ako for her. Kumbaga nawala siya doon sa MMFF, but there's also next year. Sana siya naman," ani Carmina.

Ganun pa man nagpapasalamat si Carmina na natuloy na ang kanyang pagbabalik-pelikula ngayong taon.

"I was so thankful na it was offered to me. Matagal na akong hindi gumagawa ng horror, matagal na rin akong hindi gumagawa ng pelikula. 'Yung mga pelikula ko in the past puro guest lang. Ito na ang full length ko ulit, so may mga offer in the past pero hindi siya swak for me but ngayon, ito andito na ako ulit," aniya.

Mapapanood ang "Sunod" at iba pang pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival ngayong darating na Disyembre 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.