Mga bituin kaniya-kaniyang charity projects sa Kapaskuhan

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2018 08:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Umarangkada na ang sari-saring charity projects ng mga bituin habang papalapit na ang Pasko.

Ukay-ukay with a cause ang pinangunahan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, kung saan ibinenta niya ang mga damit na ginamit para makatulong sa mga batang may cancer.

"Binebenta ko po rito 'yung mga damit na nagamit ko po nung Binibini and nung Miss Universe all proceeds ay mapupunta po for the Kythe Foundation," ani Wurtzbach.

Maagang pamasko naman ang binigay ng TNT Boys sa Bantay Bata 163 nang kantahin nila ang bagong theme song nito sa kanilang concert.

Nagpasalamat si TNT Boys member Keifer Sanchez na sila ang napiling kumanta nito.

Para naman kay Francis Concepcion at Mackie Empuerto, layon ng kanta na bigyang-kompiyansa bumangon ang mga batang may pinagdadaanan.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.