Luis, nagbigay ng reaksiyon sa bagong host ng 'PGT' na si Toni

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2017 11:42 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagbigay ng reaksiyon si Luis Manzano sa balitang si Toni Gonzaga na ang papalit sa kanya bilang host kasama si Billy Crawford sa Season 6 ng "Pilipinas Got Talent."

Walang pait sa side ni Luis at positibo na ang kaibigan niyang si Toni ang magtutuloy ng kanyang trabaho.
 
"Sabi ko nga, Toni is Toni. It's an upgrade, the way I see it. More than anything, it's the family. Five seasons kaming nagsama [sa 'PGT'], hindi biro ang pinagdaanan namin ng season one to five," ani Luis.

Pinag-usapan din ang pagiging emosyonal ni Luis sa kasal ng kanyang kaibigan na si Anne Curtis. 

"Sabi ko naman, for Anne who is my best friend, alam ko na she's in great hands. Ang sarap ng feeling bilang male best friend na kampante ako na mamahalin siya nang sobra-sobra nitong mapapakasalan niya." aniya.

Planado na rin ang holiday season para sa TV host-actor.

Pamilya at mga kaibigan ang kanyang magiging priority at pahinga rin mula sa kaliwa't kanang trabaho sa showbiz.
 
"Baka uuwi ako sa Batangas. Usually ang ginagawa ko December 24 sa pamilya, tapos 25 baka barkada ko na, the other family naman," kuwento ng host.

Regular na napapanood si Luis bilang host ng top-rating show na "I Can See Your Voice" sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.