PANOORIN: Regine Velasquez kinanta ang 'Pinoy Big Brother' theme song

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2020 04:34 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Itinanghal ngayong Linggo sa "ASAP Natin 'To" ang mga iconic na theme song ng hit reality show na "Pinoy Big Brother," na nakatakdang maglabas ng bagong season.

Kinanta ng binansagang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang "Pinoy Ako" na kinanta ng bandang Orange and Lemons para sa kauna-unahang season ng programa noong 2005.

Watch more in iWantTFC

Kasama naman ni "Pinoy Big Brother" host Toni Gonzaga si Erik Santos sa pag-awit ng "Sikat Ang Pinoy," na theme song naman ng pinakaunang celebrity edition ng programa.

Hataw din sa pagsayaw si Kim Chiu sa remix ng "Pinoy Big Brother" theme song.

Watch more in iWantTFC

Magugunitang si Chiu ang kauna-unahang nanalo sa teen edition ng "Pinoy Big Brother" noong 2006.

Magsisilbing pangunahing host ng darating na "Pinoy Big Brother Connect" sina Gonzaga, Robi Domingo, at Bianca Gonzalez. 

Pero binigyan din ng hosting duties sina Chiu, Maymay Entrata, Edward Barber, Enchong Dee, Richard Juan, at Melai Cantiveros.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.