Mga retratista sa Luneta, binisita ng 'Iba 'Yan'

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2020 08:41 PM

MAYNILA - Binisita ng aktres na si Angel Locsin at ng "Iba 'Yan" ang mga retratista sa Rizal Park sa Maynila.

Kabilang ang mga retratista sa mga lubos na naapektuhan ng pagsasara ng Luneta.

Kabilang sa mga nakilala ng Iba 'Yan ang beteranong retratistang si Joseph Fernandez. 

Kuwento ni Joseph, bagama't hindi kalakihan ang kaniyang kinikita sa pagkuha ng retrato, masaya siya sa kaniyang ginagawa dahil iba't ibang mga okasyon na ang kaniyang napuntahan sa Luneta at sa mga kalapit na establisimyento nito katulad ng National Museum.

Aminado si Joseph at ang iba pang mga retratista sa Luneta na hirap sila ngayon dahil sa pagsasara ng pasyalan.

Kaya naman sa tulong ng mga donors, nagpaabot ng tulong ang Iba Yan kay Joseph at sa mga kasamahan niya sa Rizal Park.

Tutulungan rin ng Iba 'Yan ang mga retratista sa Luneta na makahanap ng trabaho habang sarado pa ang parke. Magkakaroon rin sila ng training para mas maging handa sa kanilang pagbabalik-trabaho oras na magbukas na ulit ang turismo sa lungsod.

Panoorin ang kanilang kuwento rito.

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.